Maria Flordeluna (June 20, 2007)

by

Ang nangyari:

Ibinalik na sa pagkakakulong sina Jo, Flor, at Brigida.

Sina Leo at Gary naman nagkalinawan na. Nalaman ni Leo na wala sa poder ni Gary ang pamilya niya at sinabi ni Gary na meron pang miyembro ng sindikato nila na hindi niya kilala. Itinanong ni Leo kung kasama raw ba nila si Torres pero hindi naman alam ni Gary basta ang pangalan daw nito ay Uno. Pagkatapos noon ay nakatakas si Gary. Tuluyan ng nakumbinsi si Leo na kalaban niya si Toress.

Ikinulong nila sina Flor, Reneboy, at Wilma sa tig-iisang mga kwarto samantalang magkasama naman sina Jo at Brigida. Si Flor naman nagbigay na naman ng “moral support talk” niya para sa lahat🙄 .

Kailangan ni Torres ang limang keycard para mabuksan niya kung ano man ang kailangan niyang buksan. Nasa kanya ang 3, na kay Gary ang isa, na kay Jo ang isa pa. (Para palang Super Mario ito kailangang magcollect para mapunta sa isang secret zone😆 )

Pero ayaw pa ring ibigay ni Jo ang keycard dahil alam niyang papatayin lang sila pagkatapos. Ibinigay lang niya ito noong tinakot nila ang mga bata (naglagay sila ng tig-iisang mga daga sa kwarto ng mga bata) at sinabing sa susunod ahas na ang ilalagay nila sa mga kwartong kinalalagyan nila. Kaya wala siyang choice kung hindi ibigay kay Torres ang susi dahil naririnig niyang takot na takot si Wilma.

Sinundan ni Leo ang guard na pinaghihinalaan niyan kasabwat ni Torres.

Si Gary naman sinugod niya isa sa mga hideout ni Torres.

Ang sa ganang akin:

Sana nagkunwari na lang si Jo na natulala na naman siya para hindi na siya matanong ni Torres😆 .

3 Tugon to “Maria Flordeluna (June 20, 2007)”

  1. Angeline Mallonga Says:

    Hello! Flor . You should be strong. Be a soldier like your dad. Take Care of Renny Boy, Wilma, Brigida and Jo

  2. shanine Says:

    galing mo maria flor!

  3. shanine Says:

    naiyak ak0 nung namatay ka per0 naka sama ka sa momi mo tuwang tuwa ka1 sana julia nlng pangalan ng new baby

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: