Walang Kapalit, Episode 42

by

Ang nangyari:

Sabi ni Noel paano daw kung hindi siya nagbibiro at talagang niyaya niyang umalis si Melanie? Sabi ni Melanie, hindi daw ang sagot niya kasi may mga asawa pa rin siya…at biglang nanahimik na lang silang dalawa.

Binigyan ni Moody si Miguel ng P24,000.00 para ipambayad doon sa mga nasirang kasangkapan sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ni Miguel. Laking pasasalamat nito sa kanya, kaso lang noong sinabi ni Moody na kay Vanessa galing ang pera gusto nitong isoli na lang. Pero tinaggap din niya. Ang kundisyones ni Vanessa: maging tutor niya si Miguel at bodyguard na rin (I could’ve sworn she sad “maging boyfriend” noong una niyang sinabi iyon…o bingi lang ba ako?).

Nagdududa na naman sina Cynthia at Ronald (CR…lol…CR) dahil nag-overtime na naman sina Melanie at Noel. Magkasama naman talaga sina Melanie at Noel kaso lang hindi na nila nakita. Naabutan na lang nila ang mga ito sa kanya-kanya nilang mga opisina. Pero nagkita silang 4 sa lobby.

Birthday ni Ariston, magkasunod na nagpunta sa puntod nito sina Noel at Melanie.

Itinatanong ni Cynthia kay Ceding kung nambababae si Noel. Nauwi sa sagutan ng dalawa. Sinampal ni Cynthia si Ceding. Big mistake…hindi ba siya nanonood ng pelikula noong bata pa siya at hindi niya nakita sa “Bubble” si Amy Austria noong kabataan nito? Edi lumaban si Ceding, so wala na namang nagawa si Cynthia at natameme na naman. Sinabi ni Ceding kay Moody ang nangyari at agad naman isinumbong ni Moody kay Melanie.

Sinugod ni Melanie si Cynthia. Sinampal, sinabunot, at muntik ng itulak sa pool sabay sabing huwag na huwang magkakamaling sasaktan ulit si Ceding or else “Ibabalik kit sa bansang pinaggalingan mo at itatali kita sa unang kangaroo na makikit ko.” O, di ba, ang tapang?

Sa sobrang inis ni Cynthia, pumayag na ito sa indecent proposoal ni Ronald na gantihan nila ang mga asawa nila.

Narinig ni Ronald sina Elaine (mommy ni Ronald) at Moody na pinag-uusapan nila ang mga artistangmay mga sex scandals. Nagka-idea tuloy si Ronald sa date nila ni Cynthia…

Nagkita na nga sina CR sa hotel/motel at nag-umpisa ng gumawa ng milagro…

Ang sa ganang akin:

You, go girl! Ang galing sa wakas nasampal na rin ang babaeng `yan. Bwahahahahahaha!

Wala bang sixth sense si Cynthia at hindi niya nasesense na may kumukuha ng video nila ni Ronald? At saka ang cheap naman ha, sana bumili na lang ng tripod si Ronald🙄 .

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: