May Minamahal, Episode 12

by

Ang nangyari:

Gaan na gaan ang loob ni Becky kay Darlene. Para daw itong angel…if you only knew😆

Nagpaalam si Mandy itetest drive daw ng boyfriend niya ang bago niyang kotse. Ayaw mang payagan ni Becky dahil nga grounded dito kay Carlitos, umalis pa rin. It turned out, carnapper pala ang boyfriend nito at kasama si Mandy noon nahuli siya. Kaya galit na naman si Carlitos.

Natetense na si Monica sa wedding preparations. Marami pang kailangang asikasuhin pero nagagahol na siya sa oras, iminungkahi ng mga kapatid niya na dapat pati mga maid of honours tumulong. Hindi pwede si Trina dahil bukod sa trabaho niya may anak pa itong inaasiko (at marahil ayaw talaga niya), si Pinky naman okay siya, vibes na sila ni Monica. Si Mandy, as usual pasaway.

Nagpunta ng walang pasabi sina Becky at Gloria sa condo ni Darlene. Sakto at inilalabas na ni Darlene ang mga pictures nila ni Ronald. Buti at agad niyang naitago. Ipinagluto niya ng paella ang dalawa.

Bumili ng wedding rings si Carlitos, pero nabitawan niya ito ito at gumulong pababa sa ground floor ng mall ang singsing dahil sa kakulitan ng dalawang kuya ni Monica…

Ang sa ganang akin:

Nag-i-imagine lang ba ako o nakapantalon si Mandy noong nagpaalam siya kay Becky na aalis sila ng boyfriend niya? Kasi iyong scene after that wala na siyang pantalon. Mahaba naman ang blouse niya…but still…

Grounded nga si Mandy pero hindi naman dapat nagalit si Carlitos sa kanya dahil sa boyfriend niya. Hindi naman kasalanan ni Mandy iyon no.

Grabe, matagal na nga akong wala sa Pilipinas, kasi di ko maimagine na may cash ako sa bulsa ng ganoon karaming pera…

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: