Maria Flordeluna (June 19, 2007)

by

Ang nangyari:

Nagreunion sina Jo, Flor, Brigida, Wilma, at Reneboy in captivity.

Nalaman na ni Jo na nakakulong si Leo. Hindi pa kasi alam nina Reneboy na nakalaya na ang Daddy niya. Kaya siempre nawawalan na siya ng pag-asa…

Nadatnan ni Leo ang isang sugatan na guard (na kakampi ni Torres– binaril nito ang sarili niyang shoulder para magmukhang inatake sila) at sinabi niya na sinugod sila ni Gary. Pagdating naman sa taas ni Leo, nadatnan na Leo si George (iyong isang guard na sinabihan ni Reneboy na si General Torres ay si Uno). Namatay ito, per bago iyon ay sinabi niya ang salitang “Uno” sabay turo kay Torres. Pero hindi pa gets ni Leo iyon.

Nagkaroon ng emergency meeting ang mga militar kasama si Torres. Medyo nagdududa na si Leo sa mga pangyayari kasi hindi na nagkakatugma-tugma ang lahat. Na agad namang pinabulaanan ni Torres. Dahil ng sa sinabi ni Gani na pinakawalan siya ni Gary para mapawalang sala si Leo at mailigtas niya si Jo. `Di ibig sabihin wala sa kanya sina Jo.

Nagka-drama moment na sina Jo, Wilma, at Brigida dahil ngayon lang sila nagka-usap-usap ng matino mula noong mabuking na hindi si Wilma ang totoong anak ni Jo. Pero sabi ni Jo, mahal pa rin niya si Wilma bilang anak kahit na anong mangyari.

Nag-usap sa telepono sina General Garcia (isa sa mga dirty generals) at Gary. Ibibigay daw nila sina Jo kay Gary bilang kapalit ni General Borja na hostage ni Gary na tinorture niya para malaman ang whereabouts nina Jo. Dito rin niya nalaman na may major player pa pala ang sindikato nila na hindi niya kilala.

Ang hindi nila alam, ginawa lang iyon ni Torres para magkita sina Leo at Gary at magpatayan na silang dalawa. Bravo, General. Bravo.

Nagkita nga ang dalawa. Face to face ang magkapatid at magkalaban ng mortal…

Ang sa ganang akin:

Siguro naman matatapos na to sa Biernes, ano? Nainip akong bigla.

3 Tugon to “Maria Flordeluna (June 19, 2007)”

  1. nawawala Says:

    ako ren inip na inip na! sa friday na raw matatapos. FINALLY!! dami pang chechebureche eh! tsaka di naman si flor ang bida dun eh! diba? hehe.. at alam mo mas magaling umarte para sa ken si wilma. si flor parang palaging pa-baby effect (“bad ka!”) tsaka yung pananalita nya parang baby yung tono… ah ewan. at meron nga kayang ganung bata na sya palagi yung naglilift ng spirits ng mga tao? laging positive? parang masyado syang idealistic minsan. it’s not bad, it’s just annoying lalo na yung tono ng pananalita nya…

    pasensya ka na ha.. lagi na lang ako nagrereklamo dito. hehe.. pero ty sa mga updates mo kase minsan tinatamad akong manood kaya binabasa ko na lang dito. hehe. =)

    wala pa rin talagang tatalo sa MSKM!! doon halos wala akong reklamo. bweheh.

  2. ptvj Says:

    nawawala: my thoughts exactly…kaya sila lalong napapahamak dahil sa kadaldalan ni flor. minsan sinasabi ko “shut up flor!” bwahaha. at saka, o nga bakit naman ganoon ang mga dialogue ni flor? hindi naman ganun magsalit si wilma at reneboy, ah.

    okay lang, epsecially designed ang blog na to para sa mga reklamador na kagaya natin😉 .

    kelan ba ang book 2 ng MSKM?

  3. nawawala Says:

    ewan ko lang. meron akong nabasa na sa august daw eh… i can’t wait!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: