Walang Kapalit, Episode 41

by

Nabigla si Vanessa noong nakitang nagtatrabaho si Miguel sa cafe na pinuntahan nila ni Anton. Distractred na distracted si Miguel habang nandoon sina Vanessa. Later on, nagbalik si Anton doon na mag-isa at iniinis si Miguel (paulit-ulit na inilalaglag niya ang mga tinidor sa sahig tapos nagpapakuha ng bago kay Miguel), nauwi sa suntukan. Pinagalitan si Miguel at kinakailangan niyang bayaran ang mga nasira kaya nanghihiram ito kay Moody. Sinabi naman ni Moody kay Vanessa kung ano ang nangyari. Samantalang iniiwasan pa rin ni Miguel si Vanessa. Noong pauwi na si Miguel, isinakay niya ito at sinabing idadaan na lang siya sa bahay nila dahil may welga daw ng mga jeep. Nagpababa sa van si Miguel noong nalaman niyang nagsisinungaling si Vanessa.

Napatunayan na na may bombang nagpasabog sa building. Hinahanap pa nila ang mga bombers.

Nagkita parking lot sina Ronald at Cynthia. Tinutukso pa rin ni Ronald si Cynthia, muntik na nga silang maghalikan kaya lang biglang dumating ang secretary ni Melanie.

Binisita ni Recy si Melanie. Sabi ni Recy hindi daw kasi alam ni Melanie ang buong istorya kung bakit ganoon si Ronald.

Tinawagan ni Ronald ang mga bombers at sinabing magdedeposito siya ng pera account nila pero kailangan nilang lumayo. Narinig ni Moody ang ibang usapan nila, pero not enough para magsuspetsa siya.

Sinabi ni Noel kay Melanie na magsama na lang daw sila sa ibang bansa at iwan na ang mga sari-sariling nilang asawa…joke lang daw.

Si Cynthia naman nagreresurface na naman ang pagiging needy a selfish niya. May tinatapos na trabaho si Noel, si bruhilda naman in the mood. Tinanggihan siya ni Noel…nawala tuloy sa mood.

Ang sa ganang akin:

Sa tingin niyo magkaka-affair sina Ronald at Cynthia?

At Recy, maybe epekto nga ng pagmamalupit ng daddy ni Ronald ang dahilan kung bakit nagkaganyan siya, pero it’s NOT an excuse to hurt her.

2 Tugon to “Walang Kapalit, Episode 41”

  1. bernice Says:

    maraming salamat sa update inaabangan ko ito everyday.

  2. ptvj Says:

    you’re welcome =)

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: