Walang Kapalit, Episode 39

by

Ang nangyari:

Naglunch sina Melanie at Noel. Nagpunta si Cynthia sa office, obviously wala si Noel pero pinatawagan niya ang secretarya ni Noel para sabihing nandoon siya. Kaya agad na umalis sina Noel sa restaurant na kinakainan nila.

Si Vanessa naman nagsuot ng mahabang damit at nagpakta kay Miguel. Tinawanan siya ni Miguel at tinawag na losyang. Later on nakita sila ng Daddy ni Vanessa na nagho-holding hands kaya binalaan niya si Miguel.

Nag-stuck sa traffic sina Melanie at Noel. Tumawag ang sekretarya ni Melanie para sabihing hinihintay siya ni Ronald sa opisina. Ipinasabi ni Melanie na huwag na siyang hintayin ni Ronald dahil may meeting pa ito.

Papasakay na ito sa kotse niya ng makita at mamukhaan niya si Cynthia. Kinausap niya ito at doon na nila nalaman na magkasama sa trabaho sina Noel at Melanie. Galit na galit si Cynthia (dahil na rin sa panggagatong ni Ronald) kaya bumalik siya sa opisina at hinintay si Noel at nag-eskandalo ito. Galit na galit namang kinausap ni Ronald ang Daddy niya dahil hindi nito sinabing hinire niya si Noel.

Kinagabihan sinabunutan ni Ronald si Melanie dahil nga sa nalaman nito. Hindi niya ito sinaktan pa pagkatapos noon pero ipinaalala niyang ang dahilan daw ng pagkamatay ng mga magulang nila ay dahil sa bawal na pag-iibigan nina Melanie at Noel. Siempre naguilty na naman si Melanie dahil iyon din ang paniniwala niya.

Pumunta si Cynthia sa opisina ni Melanie para daw makita niya ang kabit…

Ang sa ganang akin:

Sinong nakapanood ng preview para bukas? Grabe!

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: