May Minamahal, Episode 8

by

Ang nangyari:

Binalaan ni Cenon si Carlitos na huwag na huwag magkakamaling saktan ulit si Monica. Nagbati na sina Monica at Carlitos pero hindi rin nagtagal (wala man yatang 2 minutes) at nag-away ulit. Tumawag kasi si Becky kay Carlitos at nagpasama na naman sa kanya.

Graduation na ni Monica at nagpunta si Carlitos sa bahay nila. Pinakain niya ang buong pamilya ni Monica sa labas. Habang kumakain sila tumawag si Becky at nagpapatulong kay Carlitos dahil nagka-flat tire sila ni Gloria habang sinusundan nila si Felix (sa pag-aakalang may babae ito). Pagbalik ni Carlitos sa restaurant nagsasara na ito, nakalimutan pa niya ang wallet niya kay humingi ito ng tulong sa Ate Trina niya.

Isinatsat na ni Trina kay Becky at Pinky na super jologs ang pamilya ni Monica.

Naghahanda na si Monica para sa celebration nila ni Carlitos ng graduation niya pero tumawag ang huli at sinabing may problema si Mandy sa school at kailangan niyang puntahan.

Nahuli palang nakikipaghalikan sa restroom si Mandy at ang boyfriend niya, kaya ipinatawag siya ng dean. Galit na galit si Carlitos at sinigawan niya si Mandy, nakisali sa eksena sina Becky at Trina. Grounded daw si Mandy ayon kay Carlitos pero ayaw namang makinig ni Mandy sa kanya. Nagalit naman si Becky sa kanya dahil pinagtataasan daw siya ng boses ni Carlitos. (Sinabi na niya yung dialogue sa pelikula: “I just happened to be your mother.”)

Ang sa ganang akin:

Ano ka ba naman Becky hindi naman ikaw ang sinisigawan nung tao no.🙄

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: