Walang Kapalit (June 12, 2007)

by

Ang nangyari:

Sumamang umuwi si Cynthia kay Noel sa Pilipinas at tumuloy sila sa bahay nina Noel.

Nagpunta sa board meeting ng kumpanyang papasukan ni Noel. Excited itong mag-umpisa, pero ng malaman niyang si Melanie ang dahilan kung bakit siya ang na-hire sa trabahong iyon, nag walk-out siya dahil hindi niya matanggap na si Melanie ang dahilan kaya siya nagkatrabaho.

Kapalit ng pagkuha kay Noel sa trabahong iyon ay ang pagbabalik ni Melanie kina Ronald. Tabi pa rin silang matulog, gusto ni Ronald na mag-sex sila kaso ayaw ni Melanie, pinipilit pa rin siy ni Ronald at itinulak niya si Ronald sa sahig, at mukhang babatuhin pa niya ng malaking vase si Ronald kung lalaban ito. Sinabi niya na bumalik lang siya dahil sa kasunduan ng Daddy ni Ronald hindi dahil sa kanila. Bumalik din kasama sina Miguel, Ceding, at Moody. Pero noong nalaman ni Ceding na umuwi na sina Noel sa Pilipinas, nagpaalam ito kay Melanie na kung pwede ay kina Noel na muna sila ni Miguel dahil wala silang katulong.

Pagdating nina Ceding at Miguel, sinungitan na sila ni Cynthia. Nagbago lang ang tono nito noong nandoon si Noel.

Tinawagan ni Noel si Melanie at niyaya niya itong lumabas para mag-usap. Doon nalaman ni Noel na hindi masaya si Melanie sa marriage niya. Tinanggap na rin ni Noel ang trabaho. (Naghawakan din sila ng kamay, by the way. Although nung nagpasalamat si Noel sabi ni Melanie what are “magkapatid” for…)

Samantalang si Vanessa pilit pa ring sinusundan ng (ex?) boyfriend niya at plit pa ring itong nag-so-sorry sa kanya. Sinabi ni Vanessa na tigilan na siya nito dahil boyfriend na niya si Miguel.

Napansin ni Ceding na bagot na bagot si Cynthia kaya niyaya niya itong mag-mall at manood ng sine. Pero sinungitan na naman siya ni Cynthia…

Ang sa ganang akin

Bruhang Cynthia. Grrr.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: