May Minamahal, Episode 4

by

Ang nangyari:

Nameet na ng buong familia si Monica. Siempre kinilatis ini-interview siya ni Becky kung saan siya nakatira, anong course niya, etc. etc. Na buong prangka namang sinagot ni Monica. Itinanong nila kung anong major niya, sabi niya Mechanical Engineering pero gusto daw niya Liberal Arts. Pero sabi daw ng Tatay niya pambobo lang iyon, nagkataon si Mandy iyon ang course kaya lalo siyang nainis kay Monica (Actually doon sa pelikula, ang sabi ni Monica ang Liberal Arts para lang sa mga hindi alam kung anong gustong gawin sa buhay…or something like that).

Nagka-father-daughter moment sina Monica ng pinayuhan sya ng Tatay niya tungkol sa pag-ibig.

Nag-date sina Monica at Carlitos. Noong dinadala siya ni Carlitos sa isang restaurant, nag-suggest siya ng ibang lugar na kakainan nila, kaya napadpad sila sa isang karinderia.

Nagkaroon ng argument sina Carlitos at ang ate nito. Masyado kasing maluho ang mga pinapabili nitong mga toiletries kay Carlitos tapos hindi naman siya nagbibigay ng perang panggastos. Nakita sila ni Becky at pinagalitan si Carlitos na huwag sumasagot sa ate nito, dahil ba raw ba may Monica na siya inaaway na niya ang kapatid niya. At ipinaalala nito na nangako siyang aalagaan ang pamilya nila.

Nakita ni Becky ang titulo ng condominium na lingid sa kaalaman niya at tinitirhan ni Darlene (ang tiyahin ni Monica na ka-affair ng namatay niyang asawa). Kinunsulta niya ang abodago tungkol dito at hindi niya alam na kasabwat ng namatay niyang asawa). Gusto niyang puntahan ang condo.

Nag-empake na si Darlene at dinala lahat ng mga pesonal effects niya. Kaya lang hindi niya alam may nahulog na picture frame sa kakamadali niya.

Ang sa ganang akin:

Aray naman at the patututsada about Liberal Arts students. Halata bang may Arts degree ako?😈

Kawawa naman si Carlitos, emotional black mail lagi ang inihahampas sa kanya. Ate daw siya so hindi siya kailangang sagutin ng ganon? Paanon kung mali naman talaga siya? Ako panganay ako pero pag mali ako gusto ko sabihin sa akin ng mga kapatid ko. Pero sabagay hindi namang pare-pareho ang mga tao.

At saka porke ba siya lang ang lalaki, siya lang ang may obligasyong tumulong sa pamilya niya? Tsk. Dapat lahat tulong-tulong.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: