Maria Flordeluna (June 07, 2007)

by

Ang nangyari:

Buhay pa si Gani pero may tama ito ng bala. Hindi siya pinatay ni Gary dahil gusto nitong kumuha ng mga impormasyon tungkol sa ebidensiyang hawak nito sa kanya.

Patuloy na sinisisi ni Reneboy si Wilma sa pagkakabulilyaso ng plano nilang pagtakas.

Isiniwalat na ni Gary sa media at sa mga kinauukulan na buhay pa si Leo at naglabas sila ng warrant of arrest.

Tinakot ni Gary si Flor para magsinungaling ito at sabihin kay Leo na may sugat ito. Ayaw niya noong una pero tinutukan ng baril si Jo, pagkatapos si Brigida kaya pumayag na rin si Flor.

Nag-usap sina Leo at Gary. Gusto ni Gary na ibinigay ni Leo lahat ebidensiya sa kanya kapalit ni Flor at Jo. Nagtagpo na sila, pero noong papaalis na sina Gary tumawag ang isa nitong tauhan para sabihing napanood niya sa TV ang footage kung saan ipinakitang si Gary ang bumaril sa tatay nitong si General Alvarado at kay Leo.

Lingid sa kaalaman ng lahat, nagpunta ang kapatid ni Isagani na si Jenny sa media para isurrender ang video na iyon. Naghabilin kasi si Gani na in case na may mangayari sa kanya, kailangan ni Jenny na i-reveal sa lahat ang tungkol sa mga kasalanan ni Gary.

Kaya nagalit si Gary akala niya dinouble cross siya ni Leo, kinuha niya ulit sina Flor, Brigida, at Jo.

Nagkaroon pala ng “moment” si Flor at Brigida, naantig din finally ang puso ni Brigida.

Ang sa ganang akin:

Isang episode na lang matatapos na to!!!

Isang Tugon to “Maria Flordeluna (June 07, 2007)”

  1. mira Says:

    ang ganda ng maria flordeluna noh! sana lng may tape para mapanood ko talaga yung whole movie..hehe

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: