Walang Kapalit (June 06, 2007)

by

Ang nangyari:

Ikinasal na sina Melanie at Ronald. Nandoon din si Noel pero hindi naman siya nagtagal, pero hinalikan muna niya si Melanie sa lips bago siya umalis. Kaya ayun nashock ang mga tao. Ang ironic pa diyan, daddy ni Ronald ang nagsimulang mag-clink-clink ng mga kutsara sa wine glass niya. Iba tuloy ang naka-score sa manugang niya.

Dahil doon naglasing na lang itong si Ronald sa gabi ng honeymoon nila. Nagalit pa siya ay Melanie dahil hinalikan siya ni Noel. Si Noel naman, bumalik sa Australia kina Brian at ang new and improved na Cynthia. May boyfriend na ito pero wala itong panahon sa kanya, in the end, nakita niya itong may kasamang ibang babae noong papalabas sila ng sinehan ni Noel. Kaya yan naging mas close na naman sila ni Noel.

Sa Pilipinas naman, nalaman ni Melanie na buntis siya at buong saya niyang ginising si Ronald para ibalita ito. Pero wala namang pakialam ang isa at bumalik na lang siya sa pagtulog. Sinabi niya kay Ceding na ubod naman ng tuwa sa nangyari at aktong gigisingin niya si Ronald para ibalita dito dahil nagsinungaling si Melanie at sinabing hindi pa alam ni Ronald. Nabuking din siya kasi wala namang lumalampas sa radar nitong si Ceding. It turned out, itong si Ronald walang ginawa kung hindi magbulakbol at umasa lang sa pagtatrabaho ni Melanie.

Ikinumpara ni Ceding si Ronald sa pagiging responsable ni Noel, pero nakiusap si Melanie na huwag na lang siyang pag-usapan dahil may asawa na siya at tahimik na ang buhay niya. Ever the voice of reason, sinabi ni Ceding na may asawa lang siya pero hindi tahimik ang buhay niya.

Pictures after the jump…


Hindi naman siya mukhang masaya…

Sila lang ang mukhang nakatama ng jackpot…


Pang burol ang pupuntahan nila sa mga pagmumukha nila…

Exchange of vows:

Siya ang kaharap niya…

…ngunit iba ang nasa isip niya

Pareho kaya sila ng iniisip?

Congratulations daw…

Daddy pa naman ni Ronald ang nagpasimuno sa mga humihingi ng kiss.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: