Walang Kapalit (June 05, 2007)

by

Ang nangyari:

Napagpasiyahang makitira ni Melanie sa bahay nina Ronald. Nakipag-usap siya sa isang abogado para lubos na maintindihan niya ang kanyang mga minana. Nagpunta siya sa board meeting at nagpakilala sa mga members ng board.

Nag-take ito ng board exam at pumasa siya. Rank 2 pa nga siya e. Samantalang si Ronald, hindi pumasa sa board at dahil dito nagalit na naman ang daddy niya. Dahil sa kaka-awat ni Vanessa sa daddy niya mula sa pang-aalipusta sa Kuya Ronald niya, pati siya nasampal ng daddy nila. Kaya muntik na siyang sinuntok ni Ronald sa ginawa niyang ito.

At dahil ayaw ni Melanie na tuluyang magkasakitan ang mag-ama, isinama niya si Ronald sa pagbabalik nito sa bahay nila. Ayaw pumayag ni Noel sa pag-aakalang magsasama sila sa iisang kwarto. Kaya biglang nagpropose si Melanie kay Ronald sa harap nina Moody, Ceding, at Noel, at pumayag naman siya.

Kinausap ni Ceding si Noel para pigilan si Melanie. Pilit pa ring sinasabi ni Noel kay Ceding na wala siyang pakialam. Lingid sa kaalaman nila, nakikinig si Melanie pero umalis na ito bago mapa-amin ni Ceding si Noel na ayaw nitong magpakasal siya kay Ronald. Kaya ang narinig lang niya ay iyong mga pangit na sinabi ni Noel. Ayan tuloy masama ang timpla niya noong namanhikan ang pamilya ni Ronald sa kanila. Nagka-gulogulo tuloy sila.

Kahit anong tutol ni Noel, hindi na mapigilan si Melanie.

Ay, si Miguelito para at saka si Vanessa, nagkita na ulit at nalaman nila ang connection nila sa isa’t isa noong nag-volunteer si Vanessa na kunin ang picture (o picture frame?) ni Agnes na naiwan ni Melanie. Mas naging close sila mula ng malaman ni Vanessa na niloloko lang siya ng boyfriend niya.

Ang sa ganang akin:

Iyong scene sa board meeting na dinaluhan ni Melanie, halata na talaga na buntis siya in real life no? Sana pinag-poncho na lang siya kasi napanghahalata na iyong tiyan niya. Oh, well.

Ikakasal na sina Melanie at Ronald bukas, panoorin niyo…

2 Tugon to “Walang Kapalit (June 05, 2007)”

  1. nawawala Says:

    minsan payat si claudine, tapos minsan mataba (dahil buntis nga) sa mga scenes. kakairita kase halatang-halatang dinagdag..

    naiinis ako sa episode na yan kanina!! ang TANGA ni melanie. nung sinabi nyang “parang wala na akong ginawang tama!” PARANG wala nga talaga!! bwiset napaka-immature!! basta ang tanga-tanga. kakainis!

    natawa naman ako sa sabi ni noel na “baket, mauubusan ka ba ng lalake kung di ka magpakasal agad?” HAHAHAH!!! true true.

    ito namang si vanessa, bakit nya ginulat yung “hardinero” (miguel)? parang ang weird naman non diba eh di naman nya kilala? tapos sya pa ‘tong nagalit na nabasa sya ng tubig! okaaaaaayyy..

    tapos ang weird pa sabi ng ceding kay melanie “… kuya mo.” uhm… kuya pa rin ba o ano???!?! ang gulo nila!

    ok. salamat at nakapagvent din. hehe.

  2. Karen Says:

    “ok. salamat at nakapagvent din. hehe.”

    so very true! at saka bakit kinailangan pang magpalit ng shirt ni vanessa e hindi naman siya magcocommute and as if naman na papayag siyang ganun ang suot niya kung magcocommute man siya. at saka hindi naman siya magtatagal dun.

    walang anuman…o, ano you feel better na? hehe.😉

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: