May Minamahal, Episode 1

by

Ang nangyari:

Meet Carlitos (Oyo Boy Sotto), anak ng isang high-profiled businessman na sa kahit anong pilit ng daddy niya na sumali na ito sa kumpanyang kanyang pinapatakbo ay wa epek pa rin. Ang gusto nito ay palakihin ang kanyang pangalan sa mundo ng advertising.

Sa kabilang dako naman ay si Monica (Anne Curtis), ang babaeng may pagmakaton kumilos dahil puro lalaki mga kapatid. Tanging ama na lang niya at mga kapatid ang kanyang pamilya pati na rin ang tiyahin nito.

Una silang nagkita sa coffee shop ng building kung saan nagtatrabaho ang daddy ni Carlitos at kung saan naman kinausap ng tiya ni Monica ang mga board directors para makapag-aral ng kolehiyo si Monica. Nagalit si Monica kay Carlitos sa pag-aakalang kinakain nito ang mga cookies niya. Huli na ng malaman niyang nasa bag pala niya ang binili nitong cookies at siya pala ang nakikikain.

Pangalawa nilang pagkikita ay noong masiraan ng kotse si Carlitos at dahil marunong gumawa ng sasakyan si Monica, ito mismo ang gumawa ng sasakyan niya. Isinulat ni Monica ang mga phone numbers (cell + landline) nito sa palad ni Carlitos.

Doon na sila nag-umpisang magka-usap at magkwentuhan.

Hindi inaasahang namatay ang tatay ni Carlitos. Noong inlibing ito ay lihim na nagpunta ang tiyahin ni Monica sa libing at umiiyak ito habang nagtatago sa taxing kanyang sinasakyan.

Ang sa ganang akin:

Hindi ko masyadong type si Oyo Boy, pero sige pinanood ko rin. No offence kay Oyo Boy, kasi si Aga Mulach pa rin ang naiisip ko pag naririnig ko ang movie na ito. Pero okay naman ang mga performances nila. Bigatin ata ang mga co-stars nila, gaya nina Cherie Gil, Jacklyn Jose, at Al Tantay.

2 Tugon to “May Minamahal, Episode 1”

  1. chai Says:

    lahat nman ng original e mhirap ibeat pero i lyk d story my comedy and may chemistry c oyo and anne..

  2. Karen Says:

    actually, yun lang charm ni aga ang namimiss ko. i don’t really like oyo boy to begin with anyway, i don’t have a problem with the story.

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: