A Woman’s Place in the World According to Palimos ng Pag-Ibig

by

Muntik na akong maunang madedo kay Fina sa taas ng presyon ko sa kakapanood nitong last episode nito. Tama nga si Lydia (nagcomment siya sa another entry ko about this).

To recap: Hindi magka-anak si Fina, so ang asawa niyang si Rodel, nag-hanap ng baby maker, si Ditas. SIempre nagalit si Fina, hindi naman niya hininging maging baog siya, mas lal namang hindi niya hininging makabuntis ang asawa niya. Grabe, ultimate slap on the face yun ha. Baog ka tapos mag-aanak sa iba yung asawa mo. Siempre noong una hindi niya matanggap, pero sabi ng mga scriptwriter, tanggapin daw. Napamahal na rin sa kanyayung dalawang bata.

Tapos milagrong nagbuntis si Fina, delikado nga lang ang pagbubuntis niya. So gumagawa siya ng mga pagkakataon para mapalapit si Rodel at Ditas sa isa’t isa. (Which reminds me of a movie nina Maricel Soriano or Vilma Santos at Christopher de Leon). Tapos nadedo si Fina.

Hindi ko naman ikinakaila ang kasiyahang dulot ng mga bata sa isang pamilya.

Kaso nga lang: Paano kung hindi ka magkaanak? Does that mean you are disposable? That you should be subjected to all the pain in this world? Does that that because you can’t grow a child inside me, your life won’t have a meaning anymore?

Bakit pinatay si Fina sa istorya? Kasi iyon ang gusto ng scriptwriter. Pero feeling ko pinatay siya kasi ang “totoong pamilya” sa kanila ay sina Rodel at Ditas. Nevermind daw the circumstances that led to that event as long as they’re complete. Naku ha.

5 Tugon to “A Woman’s Place in the World According to Palimos ng Pag-Ibig”

  1. nawawala Says:

    hay naku talaga.. pakshet sila! at sabi na nga ba’t they’re gonna find a way na magkatuluyan si diether at kristine kase sila talaga yung love team eh. pweh! [agree din ako sabi mo!] inis na inis talaga ko kay kristine. iisa lang yung reaction ng mukha! yung akala mo laging nag-aalala yung itchura. bwiset! tapos si fina pa mismo ang nagreto sa kanila. whatever!! di ko matatanggap yun!

    hehe. medyo masyado ata akong nadala sa istorya ah…

  2. ptvj Says:

    haha, okay lang yan. ako hinampas ko pa yung mesa nung namatay na si fina. sabi pa niya kay ditas a few days before namatay siya “…sa aming lahat ikaw ang pinakamalinis…”

    sus

  3. lydia Says:

    I think the scriptwriters killed Fina because they want the reel and real life love team Diether and Kristine to come out the bidas in this version of Palimos ng Pag-ibig. Which means to say that love teams become more important than the moral values that the story should bring out. How sad!

  4. nawawala Says:

    parang yung sa Maging Sino Ka Man… pinatay si bryan para lang magkatuluyan balang araw si celine at JB. hmp!!

  5. karen Says:

    hay naku grabe tlaga bkit pinatay c fina ‘kung kelan nagbuntis at magging masaya na cla tapos mamatay dn pla sya.. KAINIS TLAGA! c rica nga lng ang gusto ko tapos namatay pa. parang ang lumagay n bida c kristine. nakakainis tlaga.. sna hndi n lng c kristine ang nging baby maker kung gusto lng dn pla nya n sya ang magging bida. bardtrippppppppppppppppppppppppppppppppp

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: