Palimos ng Pag-Ibig

by

Nabubiwist ako sa buong notion ng teleseryeng to. Pero obviously pinapanood ko pa rin. Napanood ko kasi iyong pelikulang saan ibinase ang show na to. Parang trip back to nostalgia.

Alam ko kailangan nilang magdrama, pero just sa totoo lag this whole obssession about having children is a reflection of our society (probably, more of Filipino culture than Canadian — nasa Canada po ako). Kagaya nitong mga recent episodes, nalaman na ng character ni Rica na gumamit ng “babymaker” iyong character ni Deither iyong walang talent na si Kristine Hermosa. Sorry, hindi ko alam mga pangalan nila doon. Tapos parang feeling ko pinapalitaw pa nilang OA si Rica.

E sila kaya ang hindi magka-anak tapos biglang dumating iyong asawa nila, may karga-kargang bata at sasabihin sa iyong: “Hoy, asawa ko na may walang silbing uterus, nakipag-sex ako sa isang babaeng umaandar ang matris about 9 months ago. Eto ang finished product. Ituring mong parang anak mo na rin ha? Case closed. Go on.”

Siempre magrereact iyong tao. Kung ako iyon, pinalayas or nilayasan ko na siya. Naku. And I know people expect Rica’s character to forgive him. Dahil “lalake siya at nangangailangan ng anak.” Pwe. In a way, they’re saying na kasalanan niyang hindi siya mag-kaanak, and she owes to his husband a forgiveness of his indiscretions.

So, kahit na malaking sampal sa pagmumukha mo iyon, basta maprove lang niyang kaya nyang magfertilize ng oocytes, okay lang? Okay lang na saksakin mo sa likod ang asawa mo at buhusan mo ng muriatic acid iyong sugat niya?

Ayan, tapos na akong mag-rant. Mag-rereview pa ako, may test ako bukas. Pero papanoorin ko pa rin siguro ang show na iyon😈 .

Mga Marka:

21 Tugon to “Palimos ng Pag-Ibig”

  1. Karl Says:

    Ano ka ba, this is just a sineserye, Kristine Hermosa is an awarded actress, really good actress. Si Rica – sana kinuha na lang si Angelica de la Cruz, maganda at magaling. Oa si Rica at pangetttt.

  2. ptvj Says:

    ano ka ba rin, e kaya nga sabi ko yung story, reflection ng society hindi ko sinabing wala silang karapatang gumawa ng kwentong gusto nila.
    re: kristine hermosa – e ano ngayon kung may award siya, para namang lahat ng may natanggap na award deserving.

  3. Karl Says:

    Excuse me?????? I’ve got no time to argue with a person like you.

  4. ptvj Says:

    natatawa naman ako sa iyo. blog ko to…ikaw ang nagko-comment diyan no. kung wala kang panahon anong ginagawa mo dito? excuse me my ass.

  5. fabioso Says:

    i agree with you ptvj, there’s really a moral decay in our society. they’re giving diether justification to leave her wife played by rica. kung ganito ng ganito ang ipalalabas sa tv aba eh di prang ok ng magloko ang mga asawa natin kpag naloka at naging nagger na ang kanilang better half!

  6. nawawala Says:

    alam mo sa sobrang iritado ko rin, nagsearch ako ng “palimos ng pag-ibig” na yan para lang mag-rant! hehehe… yun lang. naiinis din ako kase ginagawang kontrabida si rica eh gago naman talaga yung character ni diether… at agree din ako sayo… di naman marunong umarte si kristine eh! pero pinapanood ko pa rin kase gusto kong malaman kung ano mangyayare.. hehehe…

    no comment ako dun sa reflection ng society natin…

  7. ptvj Says:

    fabioso: kasalanan din naman ni deither kung bakit naloka at naging nagger si rica, di ba? kuuu!!!

    nawawala: nakakainis nga yung ginagawang kontrabida si rica. she didn’t ask to be baog and she didn’t ask to be in this marital mess that she’s in. tapos yung recent episode, nasa mall sina kristine, deither, at reggie. expect na nila magiging invisible sila at walang makakakita sa kanila.

    about kristine’s acting: baka magalit si karl niyan😈

  8. porkyvore Says:

    I agree. si Kristine ay maganda lang pero di marunong umarte harharhar.

    Actually I am not familiar with this teleserye pero kung ganito ang premise ng istorya nakakainis naman. So pag baog ka wala kang karapatang magmoda pag nambabae ang asawa mo. Babalik na naman tayo sa mga argumentong “okay lang na gawin nya ito kasi lalake sya”.

    Naalala ko tuloy nung grade 3 ako at may narinig akong sinabi ng mga teachers na dapat ay naging Secretary ako at hindi Class President dahil babae ako. At nung 4th year High School may narinig din akong bulungan na dapat sana salutatorian ako at hindi valedictorian dahil babae ako.

    Wachechecheche! Mga Fota!

    Eniweys aliw ang blog mo.

  9. lydia Says:

    I agree with the observation of Karl, especially when the story develops more empathy towards Ditas as the victim and Fina as the bad girl. I hope that the story will not end with Fina dying to give way for Ditas and Rodel to come together, as a blessing to a relationship that is both illicit and illegal. If the story develops that way, it will give a message that (1) it is a curse not to have children and the barren wife should be punished for it; (2) that a baby maker is the best way to solve the problem of a wife’s infertility; (3) that it is ok to have a mistress because the wife is barren. Those messages give wrong values to the viewers. In the story, the reaction of anger, hatred, frustration, despair of Fina is very natural, particularly in this age and culture which are supposed to respect the rights of women. There is no OA as far as the depth of these emotions are concerned.

  10. ptvj Says:

    thanks!

    nakakalungkot isipin na kahit anong achievements ang maabot natin bilang mga babae, marami pa rin ang hindi maka-accept nun.

    mga fota nga nila, hehe.

    re: palimos ng pag-ibig — usually kahit nabubwisit ako sa mga shows, pinapanood ko pa rin dahil curious ako kung anong nangyayari, pero the apst couple of days, nabwisit ako ng todo-todo. i couldn’t stop swearing at the TV while it was on. lol. i know, i’m crazy.

  11. lydia Says:

    I mean I agree wuth PTVJ, not Karl.

  12. Karen Says:

    lydia: naku huwag naman sana ganun ang ending. di ba dun sa pelikula yun paring mag-asawa ang nagkatuluyan sa end? nakalimutan ko na, hehe.

  13. kay Says:

    hay naku 1 lng massabi ko gusto gusto ko ang palimos ng pagibig. mga inggit lng cguro kayo!

  14. Karen Says:

    kay: e di kasi gusto mo. wala namang pumipigil sa iyong gustuhin mo ang show. at hindi porke’t ayaw namin ibig sabihin inggit lang kami. naku, ha.

  15. lani Says:

    Everyday pinapanood ko ang series naiiyak ako. So close kasi sa buhay ko eh. 10 years na kaming married at di magkanak. Ang magaling kong mister nambabae rin at hinala ko may anak rin dun. Taka nga ako dahil pinapanood niya ang lahat nang telenovelas pero ito di niya. Guilty siguro ang anak ni Satanas. Iyung pagluhod ni Rica sa paanan ni Diether sabay tadyak sa kanya, ginawa ko iyun. Teleserye, kuwento lang, pero may mga babaeng who live with this as their reality.

  16. ptvj Says:

    lani: “…Ang magaling kong mister nambabae rin at hinala ko may anak rin dun…”

    i’m sorry to hear that.

    “…Guilty siguro ang anak ni Satanas…”

    sorry ha, seryosong usapan, pero natawa ako dito.

    “…Teleserye, kuwento lang, pero may mga babaeng who live with this as their reality.”

    tama. kadalasan nga di ba mas makulay pa ang nangyayari sa totoong buhay? may kamag-anak ako, nambabae ang asawa niya (pero may 2 anak na sila noong nangyari iyon). nabuntis is babae. nung nanganak si babae, pinuntahan pa niya sa ospital, binilhan ng diaper at gatas iyong bata. ngayon siguro mga 16 years old na iyong bata, at close sila ni legal wife.

    ilang araw ko na siyang hindi pinapanood. last na napanood ko nung lumuhod si fina. ah, basta ang alam ko valid naman iyong angst na nararamdaman ni fina throughout the show.

  17. Raymond Lee Quijano Says:

    tsk… kasi dapat umiinom lagi ng vitamins para hindi maging impotent.😦

  18. CaSSiOpEiA Says:

    AAAh, I watching the show through YouTube.It seems that Rica is dying in the end.Hay naku!Wag naman sana!!Kung sino pa mga walang kuwenta,sya pa magwawagi in the end? What is this drama trying to teach the viewers pag nagka ganun ha? By the way, ano nga ung pinagmamalaking award ni kristine? Wala naman ah, un ba ung Box office Queen award for the movie ENTENG KABISOTE, na sa totoo lang eh wala naman syang nacontribute dun sa pagiging box office hit kz VIC SOTTO un ano?

  19. meedood Says:

    hi guys… i didn’t see the final episode of Palimos ng Pag-ibig… i kind of didn’t want to see it actually ‘coz i had a gut feeling that Fina’s gonna die and Rodel would end up with Ditas… GOSH!!! if that’s what happened, that teleserye would be the worst teleserye i’ve ever watched!!!

    i mean, you guys are right! rodel leaving fina makes it socially acceptable for a husband to turn to another woman in search of a child of his own flesh and blood… it is such a shame! if that was me, i’d kill them both… the nerve to come home with a baby with another woman and ask me to accept the baby like my own… and not only that, make another baby with the same woman!

  20. ptvj Says:

    meedood: i know! they were not contented on ruining her life, they had to kill her too. and what pissed me off more was that she was even so convinced that ditas didn’t do anything wrong. and what pissed me off more than that was that it seems that son of a bitch rodel did not even think what he did was wrong.

    i didn’t want to watch the finale coz i had the feeling that what’s going to happen but curiosity prevailed. although i left as soon as fina died. geez.

    anyway, even for a sineserye, this show seemed short, don’t you think? i wonder why…

  21. ristoranti milano pesce Says:

    ristoranti milano pesce

    Palimos ng Pag-Ibig « Pinoy TV Junkie

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


%d bloggers like this: