Imbak para sa Kategoriyang ‘Patayin sa Sindak si Barbara’

Patayin sa sindak si Barbara, Final Episode (Episode 15)

Enero 25, 2008

Title: “Ang Huling Bulong”

Tumakbo lang si Barbara papalayo noong tinanong siya ni Fritz if she would marry him. Sinundan siya ni Fritz, nakiusap si Barbara. Huwag na raw pahirapan ni Fritz ang loob niya. Iniisip daw kasi niya ang kaligatasan nilang lahat. Kung mahal daw siya nito pakawalan na siya nito.

Pinuntahan ni Amanda ang umiiyak na si Barbara sa kwarto nito. Sinabi ni Amanda na hindi na siya pahihirapan. Mahal na mahal daw niya si Barbara. Tinawag niyang anak si Barbara.

Umiiyak sina Karen at Amanda noong papaalis na si Barbara.

Habang nasa sasakyan si Barbara, naisip niya ang mga iniwanan niya — sina Amanda, Karen at Fritz. Pinili niyang bumalik na lamang. Tinanggap ni Barbara ang proposal ni Fritz.

(may karugtong…)

Patayin sa sindak si Barbara, Episode 14

Enero 24, 2008

Title: “Till Death Do Us Part”

Nag-aalala si Tina dahil Chelsea na naman ang ipinagalan ni Karen sa bago niyang doll. Hindi naniniwala si Amanda na gumagala pa ang kaluluwa ni Ruth. Sinabi ni Tina na sa kamakalawa pa ang 40 days ni Ruth kaya gumagala pa ito.

Sinabi ni Ruth sa sarili na hindi siya papayag na lumampas ang araw ng taning niya. Gusto niyang pumasok sa katawan ni Barbara.

Nasa simbahan sina Fritz, Barbara at Karen. Naroroon din si Ruth. May nag-approach kay Barbara, namalikmata (or namalikmata nga ba talaga ito) ito at akala niya iyong pasyente niya sa US ang nasa harap niya.

Nagpabili ng love birds si Karen.

Sinabi ni Amanda kay Barbara na 40th day na ni Ruth the next day. Ayaw pa rin siyang basbasan ng pari dahil nga nagpakamatay siya.

(may karugtong…)

Patayin sa sindak si Barbara, Episode 13

Enero 23, 2008

Title: “Welcome Back Chelsea”

Nasa isang kabaong si Barbara, katabi niya si Ruth. Sumigaw si Barbara.

Nagkamalay na si Barbara sa ospital.

Pinuntahan ni John si Agnes at itinanong kung galit siya sa kanya dahil he disappointed her daw at humihingi siya ng second chance. Sinabi ni Agnes na okay lang dahil magkaibigan naman sila. Nagpaalam na ito, may date pa raw siya. Lumingon si John at nakita niyang kinawayan ni Agnes si Dale.

Nag-date sina Agnes at Dale. Binigyan i Dale ng bracelet si Agnes. Espesyal daw kasi ang araw na iyon dahil iyon ang araw na sasagutin siya ni Agnes. Ipinakabit in Agnes ang bracelet kay Dale kahit naka-cast pa ito para raw masabi niyang “I love you too.”

(may karugtong…)

Patayin sa sindak si Barbara, Episode 12

Enero 22, 2008

Title: “Barbara, Oras Mo Na!”

Tinanong ni Amanda si Ruth kung kaya niyang saktan ang sarili niya ina. Sinabi ni Ruth na hindi raw niya ito sasaktan. Bakit daw kailangan niyang gamitin ang katawan ng sarili niyang anak, bakit niya pinatay si Yaya Elsa at kung bakit gusto nitong saktan si Barbara.

Sinabi ni Ruth na tinraydor daw siya ni Yaya Elsa dahil alam nito kung sino ang babae ni Fritz. Sinabi ni Ruth na si Barbara ang babae ni Fritz, kagaya din ng nanay niyang kabit. Hindi makapaniwala si Barbara.

Nakarating na sina Fritz sa bahay nina Amanda. Pinag-stay ni Fritz sina Agnes sa van at pumunta na ito sa loob.

(may karugtong…)

Patayin sa Sindak si Barbara, Episode 11

Enero 21, 2008

Title: “Humanda ka Barbara!”

Sinabi ni Amanda kay Fritz na she’s giving him one more chance para kay Ruth. Pero hindi pa rin daw siya nito pinapatawad dahil hindi pa niya sinasabi kung sino ang kabit niya.

Nagpunta sina Agnes and company sa ospital para ipakita kay Fritz ang video noong tinawag nila ang kaluluwa ni Karen. Hindi nila macontact si Barbara kaya nagdesisyon silang magpunta sa bahay nina Barbara.

On the way there, may nakisakay na multo sa kanila. Ayaw pa ring maniwala ni John na may third eye si Dale kaya tuloy pa rin ang bangayan nila. Tumigil lang sila noong nagalit na si Fritz sa awayan nila.

(may karugtong…)

Patayin sa sindak si Barbara, Episode 10

Enero 18, 2008

Hindi ko pa napanood. Pero I’m opening the comment box. I’ll just edit this later :) .


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.