Last week na pala ng Princess Sarah this week? Buti naman, sinira lang nila ang [not-so-]childhood memories ko. Akala ko pa naman mapapaganda nila ang istorya, e walanghiya, nilagyan pa nila ng mga pirata, mga tribo, tapos si Carlos Agassi kamukha na ni Judas (no offence kay Judas
).
Tapos si Miss Minchin ginagawang OA! Terror si Miss Minchin hindi OA! Kulang na lang kakanta na si Sheryl Cruz ng Mr. Dreamboy. In fairness naman kay Sheryl maganda pa rin siya (nakita niyo ba si Manilyn sa Marimar?
).
Ano ba ang ipapalit dito? Iyon bang “Patayin sa sindak si Barbara” ang ipapalit? Nakita ko kasi may teaser. Naku ayoko ng umasa, siguradong kakatayin na naman nila ang storya. Isa pa naman ito sa mga favourite Filipino movies ko.
Wait and see na lang…
Disyembre 17, 2007 bandang 8:32 umaga
ang bilis naman ng princess sarah. one month lang nag-run?
Disyembre 17, 2007 bandang 11:27 umaga
wa paki ako dito sa Princes Sarah. I tried to watch it, pero may mga nakakatakot at may portion na for adults only. kaya mula noon hindi na ako nanuod.
Disyembre 18, 2007 bandang 7:21 umaga
hmmmm…. i like princess sarah (ung cartoon n version)… sayang lang kasi ang laki ng binago for the teleserye…
Enero 7, 2008 bandang 8:54 umaga
ay nako! nasira ang monitoring ko ang bilis kasi matapos~!
but its ok atleast i was able to change my monitoring subject..
at first i really thought it was great,but then BALIKTAD!