Natutulog ba Ang Diyos? Episode 33

by

Nakasalubong nina Gillian at Mark si Andrew. Sinabi ni Andrew sa kanila na nandito na pala ang magsyota, pero nagkibit balikat lang ang dalawa at niyaya ng umuwi si Andrew. Pero hindi siya sumama, sa halip sumama siya sa ibang mga kaibigan niya.

Nagalit si Rose dahil nalaman niya na pinatuloy ni Gillian si Karla sa kanila. Unreasonable daw siya sabi ni Mike, kumikitid na raw ang utak niya. Sinabi ni Gillian na okay lang sa kanya na huwag ng mag-aral, malaking bagay na ang pagpapatuloy nila sa kanya sa bahay nila.

Nakiusap si Andrew kay Patria. Sinabi niyang mabait na tao si Karla at siya ang kumupkop kay Gillian noong naglayas ito. Wala na raw silang mga ina, si Minerva nasa kulungan, si Patria pinalayas si Gillian. Ayaw pumayag ni Rose na papag-aralin ulit si Gillian, pero patuloy na nakiusap si Andrew sa kanya. Nakakalungkot daw kasi na si Patria at Minerva ang sisira sa pamilya nila, sabi pa niya.

Sinabi ni Andrew kay Mark na ayaw ni Rose na papag-aralin si Gillian. Kinukulit ni Mark si Andrew at sinabing makiusap na lang ulit si Andrew. Siya na lang daw sabi ni Andrew, tutal girlfriend naman niya si Gillian. Sinabi na ni Mark kay Andrew na hindi siya sinagot ni Gillian. Masaya na raw ba siya?

Bukas na ang alis ni Mark papuntang bagyo. Nag-uusap sila ni Gillian at gustong ibigay ni Mark ang mga savings niya. Mag-enroll daw siya kahit hindi sa iskwelahan nila. Hindi ito tinanggap ni Gillian. Kausapin na lang daw niya ulit si Rose, sabi ni Mark. Ayaw na raw niyang ipilit ang gusto niya, sabi ni Gillian. Paano naman daw ang pangarap niya? Ayaw na raw niyang mangarap, nasasaktan lang daw siya.

Napansin ni Bernardo na may masakit na naman kay Patria. May mga pantal pantal si Patria sa balat niya.

Sinabi ni Andrew sa mommy niya na nakuha na niya ang uniform nila. Sinabi ni Rose na sukatin na NILA ang mga ito para malaman kung kasya. Nakangiting umalis si Rose samantalang excited naman si Gillian.

Nakita ni Andrew si Patria sa labas ng iskwelahan nila. Binantaan ni Andrew si Patria at sinabing nananahimik na sila at huwag niyang babawiin si Gillian kung ayaw niyang matulad kay Minerva.

Umiiyak si Patria noong nakauwi ito habang iniisip niya ang mga sinabi ni Andrew. Niyakap siya ni Bernardo.

Sinabi ni Andrew sa daddy niya na nakita niya si Minerva sa school. Baka daw manggulo ulit ito at bawiin si Gillian. Sinabi niyang wala silang magagawa kung mangyari man iyon dahil nanay parin siya ni Gillian.

Sinabi ni Mike na kailangan niyang magpunta sa Baguio dahil may ipapapirma siya kay Mr. Crisostomo. Niyaya niya sina Andrew, Rose, at Gillian. Hindi siya pinansin ni Rose, nagpatimpla lang ito ng kape kay Gillian.

Dumating na sina Emma at Mark sa Baguio. Binigyan sila ng surprise party nina Trish. Kaya tuwang-tuwa naman si Emma. (Ang OA umarte ni Emma, no?).

Excited naman si Gillian sa pagpunta sa Baguio. Ang akala naman ni Andrew gusto lang niyang makita si Mark kaya excited ito. Kaya sinungitan niya si Andrew.

Kinagalitan ni Emma si Mark, makimingle naman daw ito para hindi utak atsay nasa isip niya. Sobra naman daw siya, sabi ni Mark. Pinuntahan sila ni Mr. Crisostomo para itanong kung pwedeng doon muna si Trish for the week dahil walang titingin sa kanya sa bahay. Siempre umoo si Emma. Sa Baguio na rin pala mag-aaral si Trish. Akala ba raw usuapan nila after the commercial iiwas na si Trish kapag nilalapit na siya ng mommy niya sa kanya. Might as well daw na mag-enjoy silang magkasama since they’re both stuck there, sagot naman ni Trish.

Ayaw sumama ni Rose sa Baguio. Hindi pa raw siya ready ang she doesn’t want to pretend that everything’s okay between the two of them. Noong nalaman ni Mike na ayaw niyag sumama. Nagpa-iwan ito sina Andrew at Gillian na lang ang inutusan niyang pumunta sa Baguio. Kaya tuwang-tuwa si Andrew.

Si Mark pakipot pa rin kahit anong alok ni Trish ng kung anu-ano ayaw niya. May kumatok sa pintuan…sina Andrew at Gillian.

Panoorin niyo to bukas, wooohooo!

About these ads

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s


Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: